Ano Ang Kahulugan Ng Begin With The End In Mind

Ano ang kahulugan ng begin with the end in mind

Maraming maaaring maging kahulugan ang "begin with the end in mind". Ang magiging repleksyon dito ay nakabatay sa kung paano ito naunawaan o naintindihan ng nagbasa nito. Ito rin ay maaaring maiugnay sa ibat ibang aspekto o nararanasan sa buhay.

Ang "begin with the end in mind" ay nagmula sa librong ginawa ni Stephen Covey na may titulong "7 Habits of Highly Effective People". Upang mas makilala si Stephen Covey, magpunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/1376150

Ang akdang ito ay tungkol sa mga gawi ng mga taong marunong sa buhay o naging matagumpay sa mga hamon ng buhay. Kasama sa librong ito ang kasabihan na "begin with the end in mind". Ano nga ba ang kahulugan nito?

Ito ay ang pagsisimula ng gawain o plano na nasa isip na ang kalalabasan o resulta. Sa mas malalim na paliwanag, bago gumawa ng aksyon ay dapat nakikita o nahihinuha na ang magiging produkto o resulta nito. Sa ganitong paraan, magiging sigurado ang tagumpay ng plano at maiiwasan ang pagkakamali. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan ng kasabihang ito, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/1722661

Ang kasabihang ito ay lubos na makakatulong sa pagtupad ng mithiin at pangarap. Bukod dito, maaari ring isaisip ang kasabihang "Put first things first". Upang mas maintindihan ang kasagutang ito, maaaring magpunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/545322


Comments

Popular posts from this blog

Impormasyong Sumusuporta Sa Mga Agrumentong Sa Pag Papatiwakal

Ipaliwanag Ang Seksyon 7. Dapat Kilalanin Ang Karapatan Ng Taong-Bayan Na Mapagbatiran Hinggil Sa Mga Bagay-Bagay Na May Kinalaman Sa Tanan. Ang Kaala

Bakit Ang Mga Teenager Umag Puma Pasok Sa Relationship