Impormasyong Sumusuporta Sa Mga Agrumentong Sa Pag Papatiwakal

Impormasyong sumusuporta sa mga agrumentong sa pag papatiwakal

Ayon kay Hiroshi Inamura na isang espesyalista sa mga nagpapatiwakal sa Japan, ang pagpapatiwakal ay naging paraan na ng mga kabataan upang gumanti. Ito ay paraang ng pagpapahirap sa mga nagpahirap din sa kanila.

Mga impormasyong sumusuporta sa mga agrumentong sa pag papatiwakal:

Ayon sa World Health Organization noong 1997, mayroong 11.4 sa bawat 1000,000 sa Estados Unidos ang nagpapatiwakal. Pero noong 2000 lamang, mayroon ng 16 na nagpapatiwakal sa 1000,000. Pansinin na 3 taon lamang ang lumipas.

Sa buong daigdig naman, umaabot sa 60 porsiyento ang pagtaas ng nagpapatiwakal sa loob ng 45 na taong lumipas. Mayroong 1 milyon sa bawat taon na naitatala, iyon ay halos 1 tao na namamatay dahil nagpatiwakal sa loob ng 40 segundo!

Ang napansin din ng The Harvard Mental Health Letter, na ang kultura ay nakaiimpluwensiya sa layuning magpatiwakal ng isa.  Isang patunay ay ang pagsusuri ni Dr. Zoltán Rihmer sa Hungary. Itinuturing itong tradisyon sa kanilang lipunan. Handa silang magpatiwakal sa anumang dahilan. Ito ang iniisip nilang katapusan sa anumang kalagayan.

Kaya makikitang ito ay parang nakatagong epidemya. Anupat hindi tulad ng kumakalat na mga sakit na naaalarma ang gobyerno at lipunan. Ang pagpapatiwakal ay pumapatay ng maraming buhay nang hindi naaagapan muna ng paraan upang maresolba hindi ang problema kundi ang kahinaan ng loob na mabuhay pa.


Comments

Popular posts from this blog

Ipaliwanag Ang Seksyon 7. Dapat Kilalanin Ang Karapatan Ng Taong-Bayan Na Mapagbatiran Hinggil Sa Mga Bagay-Bagay Na May Kinalaman Sa Tanan. Ang Kaala

Bakit Ang Mga Teenager Umag Puma Pasok Sa Relationship