Ano Ang Epekto Ng Banyagang Wika Sa Mag-Aaral?
Ano ang epekto ng banyagang wika sa mag-aaral?
Ang epekto sa mga mag-aaral ng mga banyagang wika katulad ng wikang Ingles, minsan nalilimutan nating ang tamang gamit ng mga salitang Filipino at ang pagbuo ng pangungusap. Gayundin nalilimutan natin ang halaga ng wika na mayroon tayo hindi masama na gumamit ng wikang banyaga sapagkat mayroong mga asignatura sa paaralan na sadyang ito ang midyum ng pagtuturo ngunit sanay hindi natin malimutan ang halaga ng ating sariling wika. Sapagkat ito ang ating pagkakilanlan bilang isang Pilipino, dahil sa labis na pagtanggap natin ng wikang banyaga kahit ang mga simpleng panuto na nakasulat sa wikang tagalog/Filipino ay hindi natin minsan maunawaan. Halimbawa ang pagkakaiba ng hagdan at hagdanan. Ang hagdan ay ang pinagkakabitan ng hagdanan samantalang ang hagdanan ay kung saan ka umaapak para makapunta ka sa taas. Sa pag-uutos nararapat na sabihin na Umakyat ka sa hagdanan upang kunin ang salamin sapagkat ang tama hindi Umakyat ka sa hagdan.
Comments
Post a Comment