Bakit Ang Mga Teenager Umag Puma Pasok Sa Relationship

Bakit ang mga teenager umag puma pasok sa relationship

Ang mga teenager ay nakaharap sa hamon kung paano pakitunguhan ang kaniyang damdamin. Ang silakbo ng kanilang damdamin ay talagang mainit anupat maaaring ito na mismo ang gawin nilang patnubay sa kanilang mga desisyon.  Hindi ka na magtataka kung bakit ang mga teenager ay maangang pumapasok sa relationship.

Ano ba ang dahilan ng kanilang padalus-dalos na mga desisyon? Dahil sa sila ay unti-unti nang nakararanas ng kalayaan kumpara noong sila ay bata pa lamang. Pero hindi ito nangangahulugang nauunawaan na nila ng lubusan ang mga bagay-bagay. Kulang pa din sila ng karanasan. Panahon pa ito ng kanilang pagsasanay sa paggamit ng angking kalayaang magpasya.

Panganib ito kapag ang isa ay hindi nagpigil ng kaniyang nadadama sa isang hindi kasekso. Madalas na ang nakikita ng kanilang mga mata at naririnig ng kanilang mga tainga ay maaaring magkiliti sa kanilang imahinasyon. Kung kaya ang atraksyon sa hindi kasekso ay sinusudundan nila ng panliligaw o pagtanggap ng manliligaw. Masarap talaga ang pakiramdam na may pumapansin sa iyo lalo na kung interesado ka. Kaya lang,pansamantala lamang ito.

Madalas na nagbabago pa ang kanilang damdamin o pagtingin sa isang bagay. Kaya lamang huli na ang lahat dahil sila ay nakabitiw na ng mg salita. Kaya naman sisikapin nilang ipagpatuloy ito hanggang sa puntong hindi na nila gustong pakitunguhan ng maayos ang isat-isa. Kaya may nawawasak ang puso. Ang iba naman ay babaling muli sa iba na kayang maglaan ng ganoon din kasiyang damdamin sa pag-aakalang maling pag-ibig lamang iyong nauna.


Comments

Popular posts from this blog

Ipaliwanag Ang Seksyon 7. Dapat Kilalanin Ang Karapatan Ng Taong-Bayan Na Mapagbatiran Hinggil Sa Mga Bagay-Bagay Na May Kinalaman Sa Tanan. Ang Kaala

Impormasyong Sumusuporta Sa Mga Agrumentong Sa Pag Papatiwakal

Ano Ang Kahulugan Ng Nay Pak Pak Ang Balita May Tenga Ang Lupa