Bakit Ang Pamagat Nito Ay Ibat Ibang Pangyayari Sa Kabanata 9 Sa Noli Me Tangere

Bakit ang pamagat nito ay ibat ibang pangyayari sa kabanata 9 sa noli me tangere  

Noli Me Tangere

Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

Ang kabanatang ito ay pinamagatan na mga suliranin ukol sa bayan sapagkat ito ay kalipunan ng mga pangyayari sa bayan ng San Diego tulad ng pagkikita nina Padre Damaso at ng magtiyahin na Isabel at Maria Clara. Ang pagkikita na ito ay hindi naging mabuti para sa kura lalo na ng mabatid niya na lilisanin na ni Maria Clara ang beateryo. Hindi nakatiis ang kura kaya naman agad niyang pinuntahan si kapitan Tiyago upang alamin ang katotohanan sa pasyang ito. May pagkakataon din na ipinakita ang panlulumo ng kura dahil sa nabatid niya na ang kasintahan ng anak ay ang mayaman na si Ibarra na siyang namang itinuturing niyang kaaway. Sa pakiwari ng kura si Ibarra ay sagabal sa lahat ng kanyang mga plano para sa anak kaya ni ayaw niyang palapitan ito sa binata. Sinalungat niya nag kasunduan ng dalawang don sa pag iisang dibdib ng kanilang mga anak sa takdang panahon at sinabi na mas mainam para kay Maria Clara na magpakasal kay Alfonso Linares na para sa kanya ay higit na marangal kaysa kay Crisostomo Ibarra na anak ng isang erehe at filibustero at kailanman ay hindi niya magugustuhan para sa dalaga.


Comments

Popular posts from this blog

Impormasyong Sumusuporta Sa Mga Agrumentong Sa Pag Papatiwakal

Ipaliwanag Ang Seksyon 7. Dapat Kilalanin Ang Karapatan Ng Taong-Bayan Na Mapagbatiran Hinggil Sa Mga Bagay-Bagay Na May Kinalaman Sa Tanan. Ang Kaala

Bakit Ang Mga Teenager Umag Puma Pasok Sa Relationship