Ipaliwanag Ang Seksyon 7. Dapat Kilalanin Ang Karapatan Ng Taong-Bayan Na Mapagbatiran Hinggil Sa Mga Bagay-Bagay Na May Kinalaman Sa Tanan. Ang Kaala

IPALIWANAG ANG SEKSYON 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng taong-bayan na mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.

Ang seksyon na ito na makikita sa artikulo 3 ay nangangahulugan na may karapatan tayong mga Pilipino na malaman ang lahat ng mga transaksyon ng ating bansa. Kailangan alam natin ang treaty o kasulatan na sinasang ayunan ng ating Presidente dahil tayo rin ang maapektuhan nito. Hindi nila pwedeng itago ang mga impormasyon na kritikal sa interes nating mga mamamayan at makakapa apekto sa ating bansa. Karapatan nating makita ng malinaw ang galaw ng ating gobyerno.

Related links:

brainly.ph/question/1770574

brainly.ph/question/1270876

brainly.ph/question/1347914


Comments

Popular posts from this blog

Impormasyong Sumusuporta Sa Mga Agrumentong Sa Pag Papatiwakal

Ano Ang Kahulugan Ng Nay Pak Pak Ang Balita May Tenga Ang Lupa